Isipin ang dalawang taong naka-on ang Mga Abiso sa Pagkalantad (Exposure Notifications). Kung sila ay magkakalapit nang anim na talampakan sa isa’t isa nang 15 minuto o higit pa sa isang araw, ang kanilang mga telepono ay magpapalitan ng mga key (pasumalang nililikha na anonimong mga numero) na tinatala ang malapitang interaksyon na iyon.
Kung ang isa sa kanila sa kalaunan ay magpositibo sa COVID-19 at sumang-ayong ibahagi ang impormasyong iyon sa CA Notify, ang isa ay makatatanggap ng alerto na sila ay nalantad. Ang abiso ay maglalaman ng mga tagubilin kung kanino makikipag-ugnayan at ano ang susunod na gagawin.
Mapapagana ng mga gumagamit ng iPhone ang CA Notify sa settings ng kanilang device.
1. I-update ang iyong iOS sa bersyon 12.5 o mas bago
2. Pumunta sa settings
3. Magscroll pababa sa Mga Abiso sa Pagkalantad (Exposure Notifications)
4. I-on ang Mga Abiso sa Pagkalantad (Exposure Notifications)
5. Piliin ang Estados Unidos > California
Kung kailangan mo ng teknikal na suporta, makipag-ugnayan sa Help Desk.
1 (888) 421-9457
Ang mga gumagamit ng Android ay maaring i-download ang CA Notify sa Google Play Store.
Kung kailangan mo ng teknikal na suporta,
makipag-ugnayan sa Help Desk.
1 (888) 421-9457
Ang mga tao sa buong California ay nagtutulungan upang makapagligtas ng mga buhay. Samahan sila sa pamamagitan ng pagdagdag ng iyong telepono ngayon.
Gumagamit ang CA Notify ng Bluetooth Low Energy (BLE) technology upang magpalitan ng random codes sa mga phones ng ibang nag-opt in nang hindi ibinubunyag ang anumang impormasyon tungkol sa mga user. Kapag nagpositibo sa COVID-19 ang isa pang CA Notify user na naging malapit sa iyo sa nakalipas na dalawang linggo, at idinagdag nila ang kanilang unique at anonymous na verification code sa app, makakatanggap ka ng anonymous notification na maaaring na-expose ka. Ire-refer ka sa mga sanggunian sa COVID-19 para mabilis kang makapagpa-test at makuha mo ang pangangalagang kailangan mo upang maiwasan ang pag-expose sa ibang nasa inyong komunidad.
Hindi kailanman nangongolekta o nagbabahagi ang system ng anumang data sa lokasyon o personal na impormasyon sa Google, Apple, California Health at Human Services (CHHS), iba pang user. Ganap na boluntaryo ang paglahok. Pwedeng sumali o umalis ang mga user anumang oras. Ang CA Notify ay dinisenyo para protektahan ang privacy at security ng user – hindi ito nangongolekta ng lokasyon ng device upang ma-detect ang pagkaka-expose at hindi rin nito ibinibigay ang iyong identity sa iba pang user. Ang random keys ay ipinagpapalit gamit ang Bluetooth at hindi naili-link sa iyong identity o lokasyon. Magbabago ang keys bawat labinlimang minuto para protektahan ka.
Ang mga identifier na ipinagpapalit sa iba pang phone at ang keys na ibinabahagi sa system kapag nagpositibo ka ay random na nililikhang numero na walang laman na anumang personal na makikilang impormasyon. Ang mga identifier na ipinagpapalit sa iba pang phone ay ligtas na iniimbak sa iyong phone ng operating system sa paraan na hindi ito maaakses ng iba pang software application, at hindi rin sila umaalis sa phone kahit kailan.
Simula Disyembre 10, maaaring mag-download ang mga Android user ng CA Notify sa pamamagitan ng Google Play store at sundin ang mga tagubilin para i-activate.
Maaaring direktang paganahin ng mga iPhone user ang mga notipikasyon sa kanilang settings:
Maaaring paganahin ng mga iPhone user ang Notipikasyon sa Pagkaka-expose sa Settings. Buksan ang Setting App>Exposure Notifications>Turn On>Select United States / California at kumpletuhin ang onboarding.
Ang mabilis na pag-alam kapag na-expose ka sa COVID-19 ay susi sa paghinto sa pagkalat. Nakakatulong ang CA Notify sa iba pang hakbang ng pagpigil sa sakit kabilang ang pagsusuot ng mask, physical distancing, pagbabawas ng paghahalo-halo, at paghuhugas ng kamay. Sa pamamagitan ng pag-aalerto sa mga indibidwal tungkol sa posibleng pagkaka-expose sa virus, maaari silang gumawa ng mga desisyon kaugnay ng pagbubukod ng sarili upang bawasan ang pagkalat at panatilihing ligtas ang kanilang sarili at ang iba. Ang impormasyong ito ay partikular na kapaki-pakinabang sa mga asymptomatic na taong maaaring walang sintomas pero pwede pa ring magkalat ng virus. Ipinakikita ng mga ulat mula sa UC system pilot na ang paggamit ng CA Notify technology ay nakakabawas ng mga impeksyon. Tulad ng pagsusuot ng mga mask, physical distancing, paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa mga pagtitipon, ang CA Notify ay isa pang tool para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Hindi. Kapag nagpositibo ka, makakatanggap ka ng verification code mula sa California Department of Public Health na magpapahintulot sa iyong i-activate ang proseso ng notipikasyon. Pahihintulutan ng code na iyo ang iyong phone na ipadala ang iyong random keys sa iba pang user ng CA Notify. Kapag pinili mong i-activate ang function na ito, anumang phone na napunta sa loob ng 6 na talampakan nang 15 minuto o higit pa sa panahong nakakahawa ka ay makakatanggap ng abiso tungkol sa posibleng pagkaka-expose. Sasabihin ng notipikasyon sa ibang user ang petsa ng kanilang pagkaka-expose, ngunit hindi ito magsasama ng impormasyon tungkol sa lokasyon, oras, o identity.
Halos 20 states at teritoryo na ang naglunsad ng mga app batay sa Exposure Notification technology ng Google at Apple. Sa California, sinimulan ang CA Notify sa pitong magkakaibang kampus ng University of California. Tulad ng pagsusuot ng mga mask, physical distancing, paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa mga pagtitipon, ang CA Notify ay isa pang tool para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Hindi, ang serbisyo ay hindi gumagamit o nag-iimbak na personal na makikilang impormasyon at dinisenyo ito para protektahan ang iyong privacy. Hindi nirerekord ng technology ang iyong lokasyon o ginagamit ang iyong GPS. Ginagamit nito ang Bluetooth feature ng iyong phone upang ipagpalit ang mga random na nilikhang random "keys" (halimbawa: ABC123DGG67) na hindi nauugnay sa iyong phone number, iyong pangalan, iyong lokasyon, o sa iyong IP address. Ang random keys na ito ay pinapalitan tuwing humigit-kumulang 15 minuto upang protektahan ang iyong identity. Gumagamit ang system ng ligtas at desentralisadong disenyo upang matukoy kung nagkaroon ka ng kontak sa isang indibidwal na nagpositibo. Iniimbak lamang ang keys sa mga device ng isang user, hanggang sa panahon na magpasya ang isang user na nagpositibo na ibahagi ang keys na iyon sa iba. Pagkalipas ng 14 na araw, o kapag na-trigger ang isang alerto, permanenteng mabubura ang keys sa device ng uer.
Ang CA Notify ay magiging available sa 15 iba't ibang lingguwahe – Arabic, Cambodian, Chinese, English, Farsi, Hindi, Japanese, Korean, Pashto, Russian, Spanish, Tagalog, Thai, Vietnamese at Western Armenian.
Magpapadala ng notipikasyon sa pagkaka-expose sa iyong phone matapos ma-detect ng iyong phone ang isang exposure event batay sa isang key/token match sa ibang taong nag-report ng pagpositibo sa CA Notify. Hindi tatagal nang isang araw para maabisuhan ka kapag isinumite ng isang taong nakasalamuha mo ang kanilang positibong resulta sa CA Notify. Maaari kang abisuhan tungkol sa anumang pagkaka-expose na nangyari sa nakalipas na 14 na araw.
Depende ito kung ilang tao ang nakasalamuha mo, ilang indibiwal ang gumagamit ng Mga Notipikasyon sa Pagkaka-expose sa kanilang phones, at kung ilan sa kanila ang nadayagnos na positibo.
Kapag ipinagpalit ng iyong phone ang random na nilikhang keys sa phone ng isang taong nag-report ng positibong dayagnosis, makakatanggap ka ng notipikasyon tungkol sa posibleng pagkaka-expose. Ang notipikasyong ito ay magkakaroon ng mga tagubilin sa pagbubukod ng sarili at pagpapa-test.
Matatanggap mo ang code sa pamamagitan ng text message mula sa CDPH. Ang text mula sa CDPH ay magmumula sa 1-855-976-8462.
Dinisenyo ang serbisyo upang gumamit ng Bluetooth at data sa pinakamababang antas at hindi dapat ito magkaroon ng kapansin-pansing epekto sa itatagal ng baterya o paggamit ng data.
Hindi. Ang CA Notify ay hindi isang contact tracing app. Tinutukoy ng contact tracing ang mga malalapit na nakasalamuha ng taong nagpositibo sa COVID-19, at inaabot ng mga contact tracer ang mga indibidwal na iyon sa pamamagitan ng telepono, email at text. Hindi tina-track o tine-trace ng CA Notify ang impormasyon tungkol sa mga taong nakakasalamuha mo at hindi nangongolekta o nagpapalit ang app ng anumang personal na impormasyon, kaya hindi magiging posible na malaman ng anumang entidad kung sino ang nakasalamuha mo. Pinalalakas ng CA Notify ang proseso ng contact tracing sa pamamagitan ng paglalabas ng mga notipikasyon sa pagkaka-expose sa mga taong maaaring hindi mo kilala.
Wala, ang CA Notify ay isang libreng tool at magagamit ng lahat ng Californian na gustong gumamit nito.
Ang CA Notify ay hindi inilaan para sa mga batang wala pang 13 taong gulang. Ang mga user na may edad na 13 hanggang 17 taon ay pwede lang gumamit ng system matapos masuri at maibigay ng magulang o legal na tagapangalaga ang kanilang pahintulot.
kailangan ng suportang panteknikal?
Tumawag sa aming Help Desk
7 days/week 8am-6pm
Ibang mga Mapagkukunan ng Impormasyon
Media Toolkit
Ang Website ay pinapaandar ng